Tuesday, December 30, 2008

='(

nagkagulo sa opisina namin. Nagkamali kasi ng kwentahan sa sweldo ng mga tao namin, at syempre involve ako. Ako kasi ang taga-bawas ng vale ng mga tauhan. Mukhang sumobra yung pagkakaltas ko... kasi ganito yun.

*tauhan's sweldo* 3,500
less:
vale nia kay JCL (1,300)
food (1,400)
Subtotal 800

vale nia kay SCL 500
TOTAL 300

tama naman yung kwenta ko, pero siguro hindi matanggap ng tauhan na yun na 300 lang ang suwelduhin n'ya, kaya nagreklamo s'ya kay JCL. Tinawag ako ni JCL, bakit ko daw ba kinaltasan pa ng 500 si tauhan? Sabi ko, may vale din s'ya kay SCL ng 500, ibawas ko na daw yun sa sweldo ni tauhan. Umapela ngayon si tauhan na wala daw s'yang binabale kay SCL na 500, sumugod ngayon si SCL, ang sabi meron daw. Sa sales n'ya pa nga daw kumuha... ganito, ganyan, dito, doon... blah blah blah blah...

well.. it end up na parehong may mali ang dalawang kampo, in short wala akong kasalanan, pero ang nasaktan/nabatukan... AKO.

Napansin ko na 'to sa nanay ko, noon pang magpapasko. Kung hindi n'ya ako binubungangaan ng bonggang bongga, eh pinagbubuhatan n'ya ako ng kamay. Mild lang naman, yung tipong sasabunutan at babatukan. yun lang naman, pero sa public place kung saan pwede ako makita ng madlang tao na sa gano'ng edad ko eh nababatukan at nasasabunutan pa ako ng nanay ko.

hindi ako naiiyak sa mga palo ng nanay ko, kahit nung bata pa ako (tama kayo, bugbog sarado ako nung bata pa lang ako). Naiiyak lang ako kapag mag-isa na lang ako ang iisipin ko na bakit ako nakakatikim ng ganito? Pero syempre tanggap ko na kung mapapagalitan ako at masasaktan ako, eh alam kong kasalanan ko, pero kung iba... parang sa akin pa rin ba ang parusa? Hindi nman nila ako pinanganak na santa para akuin ang pagkakamali ng iba... kung meron man akong mali don eh siguro hindi naman dapat ako ang maparusahan. Katulad na lang ng kanina, kapatid ko pala ang nagkamali, tapos ako ang napahiya at ako ang napagalitan ng bongga.

alam ng mga kaibigan ko ang kalagayan kong ito, kaya hindi nila maiwasang ikumpara nila ako sa kapatid ko. Nakatikim na rin ako ng malupit na pang-aasar nung elementary pa lang ako. Hindi natanggap ng magulang ko ang tanong na "ampon ba ako?" nang minsang itanong ko ito sa nanay ko. Naghumirantado s'ya, at imbes na don s'ya sa tao na nagsabi na ampon daw ako magalit, eh sa akin pa? Hehehehehe... mukhang walang magawang matino nanay ko no'n kaya ako pa din ang pinalo.

dahil na rin siguro sa karansan na yun kaya ako hindi naging matanong na sa magulang ko. Don ko na pinaniwala sa sarili ko na pinalaki nila akong may takot sa kanila. Takot na makipag 'sharing'. Dahil iba ang takbo ng isip ng nanay ko, may marinig lang s'ya na iba ang ibigsabihin sa kanya ay iba na rin ang gagawin n'ya sa'yo. Yung tipong kunwari nagbigay ka sa kanya ng joke, imbes na tumawa s'ya, makikita mo na lang na nalipad na yung rice cooker papunta sa'yo.

gano'n ang nanay ko, ewan ko lang sa tatay ko. See? hindi ko sila gano'n kaclose. Sa bahay, introvert ako, pero sa labas ng bahay extro. Sa labas ko na lang pinapalabas lahat ng ugali kong nakatago, dahil alam ko na dito ako malaya at may nakakaintidi sa akin.

tapos, yung tita ko pa daldal ng daldal dun sa nangyari, kesyo hindi daw n'ya alam ganito ganyan... at ang sabi ko na lang sa kanya:

"tama na yan, hindi naman kayo yung nabatukan eh."


0 comments: