Ran****
ayokong ibalandra ang kanyang pangalan dito sa blog, baka kasi may makabasa eh makilala pa s'ya. i loved this guy at wala akong pinagsisihan kahit na against all odds ang drama ng relasyon namin. Hindi ko s'ya nagawang ipagtanggol sa pamilya ko, habang s'ya hindi naman n'ya ako napakilala ng personal sa pamilya n'ya. Gusto "daw" ako ng magulang n'ya, nakita na daw kasi nila ako sa litrato. Nakakatuwa dahil ako nakita na, tapos sila hindi ko pa nakikita, maliban sa kuya n'ya na pumunta dito sa manila para lang sunduin s'ya.
Mahal ko s'ya, minahal... at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung mahal ko pa ba. Dito sa puntong ito, alam ko sa sarili ko na s'ya pa rin ang hanap ko. My heart speaks while my mind command. Kung papipiliin ako, gusto ko s'yang makita pero ayoko na s'yang makasama. Malayo ang agwat namin sa buhay, at kapag napapaisip ako ng malalim napipitik ng utak ko ang idea na "kung kami ang magkatuluyan, ano'ng mapapakain n'ya sa akin (sa katawan kong 'to?) at kung hanggang san n'ya kayang sustentuhan ang aming magiging anak? Hanggang highscool lang ba? Kung maari, gusto ko naman din silang makapagtapos, para matuto silang harapin ang mundo na kung aakalain nila ay isang paraiso.
Nakakapanaginip ako ng isang hindi pamilyar na lugar, madalas yun! At sa tuwing napapadpad ako sa gano'ng lugar, s'ya ang kauna-unahang tao na hinahanap ko. Hindi ko din alam kung bakit, may nakapagsabi naman sa akin na ang "lugar" sa aking panaginip ay mga taong nakapaligid sa akin, at kahit and'yan lang daw yung mga taong yun, ay 's'ya' pa rin ang hanap ko. Totoo naman eh, hanap ko pa rin talaga s'ya. Hindi ko masisisi ang sarili ko, dahil minahal ko nga yung tao eh. At sa totoo lang, kapag naghahanap ako ng kapalit n'ya, I'll end to someone na kamukha n'ya, or close enough para maging kamukha n'ya. Honestly, tinamaan na talaga ako sa kanya.
Sa tuwing naaalala ko ang ngiti n'ya, nasasaktan ako. Kasi yun na lang ang tanging alaala ko sa kanya. Wala akong picture n'ya at wala din akong mga bagay-bagay na nanggaling sa kanya. At sa tuwing inaalala ko ang pinagsamahan namin, I can't help but to miss him much more, at syempre at the same time, nasasaktan ako. Sa totoo lang, naiyak yun sa akin, inaamin n'ya yun. Pero hindi ko s'ya nadadamayan kapag malungkot s'ya at kapag kailangan n'ya ako, hindi n'ya , ako nakakasama - which is masakit para sa akin. I loved that guy, tapos ako pa itong parang hindi 'supportive' sa kanya that time. Kaya siguro hindi ako makapag move on dahil sa kadahilanang hinahanap ko talaga s'ya at s'ya pa rin ang bulong ng puso ko.
Minsan nga, kapag naiisip ko ang mga kapalpakan ko sa buhay, bigla ko na lang nasasambit ang pangalan n'ya ng hindi ko namamalayan. At kapag nalulungkot ako, naiiyak na lang din ako dahil hanggang ngayon, parang s'ya pa rin ang kailangan ko. Wala pang lalake na nakasama ko sa aking kalungkutan kungdi s'ya lang. S'ya lang ang nakakita kung paano ako umiyak, s'ya lang ang lalakeng nakaalam kung gaano ako kababaw umiyak at s'ya lang ang nakakaalam kung gaano ako ka-inlab sa kanya, kung gaano ako kabait, kung paano ako magalit at kung gaano kahaba ang aking pasensya. S'ya lang. First time na may pumasok na guy sa puso ko na alam ang pasikot-sikot ng ugali at buhay ko. For the first time, may pinapasok akong guy sa mundo ko na sa pag-alis n'ya pala eh 1/4 na lang ang matitira sa akin, at kahit nangangalahati na ako sa pagbubuo muli ng mundong iniwan n'ya sa akin, sa tuwing naiisip ko s'ya.. unti-unting nababawasan yun. Hindi ko namamalayan, naiyak na pala ako.
tapos, sa aking pagtulog, mananaginip na naman ako... sa panaginip na 'yon, s'ya at s'ya pa rin ang hinahanap ko. Y_Y
I really miss him... and perhaps, I'm still longing for him.
Not rich. With vices. Chick magnet, and yet he still have a part of me that I keep wishing that he won't let go of it.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment