Monday, October 13, 2008

now i can tell, I'M TOTALLY HURT!!!!!!!

Yeah right. magpapaka-emo na talaga ako!!!!!

ngayong umaga ko lang napansin ang bagong picture ni 'hitler'. Hitler is my classmate before sa BSA days ko, tinawag s'yang hitler dahil sa pag re-raise n'ya ng kamay nia. And yes, tama kayo... kung paano magtaas ng kamay si hitler, gano'n din s'ya magtaas ng kamay.

isa pang naging kaklase ko, let's call him Nadal. Apelido n'ya yun, at talagang i craved kitchie nadal dati. Pero hindi tulad ni kitchie nadal at ni 'weird' [pakibasa na lang po yung nauna kong post dito para makilala si 'weird'], hindi ko masyadong pinagpapapansin itong nadal na 'to.

hindi ko naging close isa sa kanila, as in. My world revolve around my pakner, she's a super-duper great friend, kaya pagnasasaktan na ako ke weird, sa kanya lang ako nadikit, and my entire day will be whole again... yun nga lang, mali pala yun. It's a big mistake that i made in my 90 days of my life, at ngayon, hindi ko alam kung nasasaktan ako or whattttttt.

nagsisisi ako nung nag stop na ako sa pag aaral ng BSA course at lumipat ako ng ibang school. Bakit? kasi, hindi ko napansin si nadal that time. as in ang oras at mata ko lang ay sa mga taong may interes ako. ngayon, nagsisisi ako ng sobra dahil hindi ko man lang nagawang gawing cose s'ya, although he's worth it naman. Pero come to think of it, naramdaman ko din siguro yung hindi din naman din s'ya magiging interesado sa akin. I mean, hindi nga ako interesado sa company n'ya, s'ya pa kaya? Pero, simula nung bumisita akong muli sa skul na 'yun, guilt and neglect strike back at me. Hindi naman cute yung si nadal, pero i feel in love to him~ [gano'n kadali?], no... i fell in love sa kanyang mahabang buhok. I realy loved it! Nasabi ko nga sa kanya, na sana... buhok na lang s'ya. Pero what the hell?? Do'n din sa punto na 'yun, nagustuhan ko s'ya. Buti nga hindi ako na-inlove sa kanya ng totally... hindi tulad nung kay weird.

Ito pa, nung bday ko, nalaman ko ang buhay pamilya n'ya. Yeah, pareho kami... pero mas grabe ang kanya. Para sa akin kasi, hindi ko naman nasabi sa sarili ko na hindi naman ako masaya sa tahanan namin, pero s'ya.. nasasabi n'ya yung salitang yun. Hindi ko nga s'ya macomfort no'n. Una, hindi sa kanya naka-tuon ang interes ko...pangalawa, what the hell?? Birthday ko yun no!!! Salbahe talaga akong bata, that's why nasasaktan at medyo nagseselos ako ngaun. I really hate it. Nagsisisi ako, na sana naging kaclose ko s'ya, na sana naging super friends din kami, na sana pinagbuti ko ang studies ko [para kaklase ko pa sana s'ya], at sana... sana.. sana... hindi ako naging mapili that time. Sana natutuhan ko yung lesson na yun, bago pa ako napunta sa school na kung saan, hindi na ako namimili ng ngingitian, pakikisamahan at tutulungan. Pero sa mga oras na ito, hindi na ako totally nag sisisi... hindi rin naman ako totally nagseselos... it's just that.. nasasaktan ako.

Nasasaktan in the way na siguro ito yung result ng pagiging narrow pagdating sa kakaibiganin. Sayang, sana naging kaclose ko s'ya.. kahit yun na lang... masaya na ako. I mean.. it's just that... i'm hurt

S'ya nga pala, nagkakaganito ako kasi 'sila' na ni hitler. Yeah~~ i'm sad... i'm sad para sa kanila. Hindi ko kayang sabihan sila na i'm happy for you~ ganito ganya~. hindi ko lang talaga kaya. Kasi nasasaktan ako. Sana ako yung nasa tabi ni nadal that time, sana i can turn back time para itama ko naman ang pagkakamali ko ng konti. I'm wishing na sana naging kaclose ko naman s'ya.

I'm totally hurt.. really hurt... I hate to see that picture of them! Kahit first time kong nakita si hitler ng gano'ng kaligayang ngiti at si nadal na may matang sobrang inlove. I'm so0o0o0o0o0o0... hurt! i can't help it! though i don't have the rights para masaktan at something! huhuhuhuhuhu... i hate this! i even hate them! [bitter much?!!]

no... i don't hate them... it's just that... i'm not comfortable seeing 'them' together. What the f*ck is happening to me?? Pero ano bang magagawa ko?? Smile, be friendly, hug the reality warmly and cry at the corner of your room... where no one can hear and see you!! Y_Y

0 comments: