Tuesday, October 7, 2008

Nasasaktan pa rin ako

It's been two years nang huli kong makita c gelo. May sakit s'ya no'n that time, ang kaso tinuloy n'ya pa rin ang parang farewell party... kasi last day na ng 1st sem no'n, kaya ang huling stopover ng buhay estujante namin sa unang sem ng kolehiyo... sa bahay nila. Inuman session.

Wala sa mood uminom ung ibang kaklase namin, siguro dahil hindi namin o nila na enjoy yung araw na 'yun, dahil may sakit nga c gelo non. Nakainom naman ako ng konti that time, kahit feeling unwell na c gago... tungga lang ako. Pero syempre, nung una.. caring ako saknya... ayaw n'yang uminom ng gamot as an major advice ng mga kaklase, kaya ang malupit kong advice... uminom s'ya ng empirador. sineryoso naman ni ogag ang advice ko, uminom nga.. lalo xang napasama tuloy. pero dahil sa kagaguhan na ginawa ko, bumawi naman ako. Minasahe ko ang likod n'ya, kahit ginawan na kami ng issue nung bakla naming kaklase. Siguro nakabawi naman na ako no'n, at maaly ko bang huling araw na namin yun?

nag stop na ako sa pag aaral ng accountancy, aminado naman kasi ako na hindi ko din naman kaya ang gano'ng parusa sa utak. Wla na akong balita sa mga naiwan kong kaklase sa dating school, hindi na rin siguro ako naging interesado dahil malayo na ako sa kanila at may sarili naman akong business sa isipan ko. And about dun sa gelo? hanggang picture na lang ang pagkikita namin. Mahaba na ulit ang buhok n'ya, tapos bigla ko na lang mababalitaan na nagpakalbo pala ang kumag, na hindi ko naman alam kung totoo yun. Dahil sa pagkakakilala ko... hindi s'ya nagpapagalaw ng buhok hangga't walang permiso ung ggalaw non. Siguro pagkatapos s'yang kalbuhin, pina-salvage nia na ung nagkalbo sknia. kaya siguro walang naamin at nagpapatunay sa mga kaklase ko dati kung totoo bang nagpakalbo s'ya.

Bakit pa rin ako nassaktan? Hindi ko alam. Siguro dahil hawak ko pa rin ang sinabi ko sa kanya, "maghihintay ako". Hindi ko nagawa yun sa totoo lang, dahil nagkaro'n ako ng BF. Pero ang hindi ko maintindihan, apektado pa rin ako sa mga balita sa kanya, although kahit papano hindi na ako masyadong parang tanga pag anjan s'ya sa paligid. Nasasaktan pa rin ako, lalo na kapag inaasar n'ya yung babaeng inaasar n'ya nung magkakakaklase pa kami - hanggang ngayon! At dahil wala na ako sa poder ng dating eskwelahan at hindi na ako nakakahabol sa mga kaganapan sa kanila. wala na akong karapatan na umeksena sa buhay ng dalawang nagtatalo. Halos lahat na nagsabi sa kanila na bagay nga sila, kahit na para silang aso't pusa.

Nasasaktan pa rin ako ng hindi ko malaman, nalulungkot at nayayamot. Hindi ko alam kung bakit, kahit ang pinalit ko naman sa kanya ay minahal ko ng lubos. Siguro dahil miss ko lang talaga s'ya, at natatamaan ang ego ko dahil dati, sa akin nakatutok ang limelight pagdating sa pagpapares-pares sa loob ng klase. Nasaktan siguro ako dahil kahit milya-milya na ang pagitan ni gelo at nung girl, ay sila pa din ang inaasar bandang huli.

Nakakatuwa, ang dami kong sinabi na maaring maging dahilan kung bakit ako nasasaktan. Siguro mababaw na talaga ako kung pati ang hindi n'ya pagbasa ng blog na 'to ay masasaktan pa rin ako. At sa lahat ng nsabi ko sa taas, isa lang yan sa mga nasabi kong dahilan kung bakit ako nasasaktan. Dahil sa totoo lang...

"I'm still hurting..." T_T

0 comments: