Friday, October 3, 2008

EMO hindi dahil sa Love

Tama kayo, hindi ako EMO pagdating sa love, dahil kung tutuusin marami ang nagmamahal sa akin.

Sa totoo lang, nagkakaro'n lang naman ng drama ang buhay ko kapag sumingit na ang nanay ko sa mga ginagawa ko. Hindi ko naman masabi na singit xa sa buhay ko , eh mas nauna pa xang mabuhay sa akin, kahit na sabihin natin na ayaw ko sa ugali n'ya... wala akong magagawa, nanay ko 'yan, kaya makikialam yan sa akin dahil anak lang ako - kahit ang NAPAKA personal kong buhay at bagay ay pakekealamanan n'ya.

Madalas n'ya sa aking sabihin na, lagi daw akong natutulala ng hindi n'ya mawari. Hindi n'ya alam na sangkaterba ang problema ko sa eskwelahan, hindi ko malaman kung ano'ng uunahin ko dahil sa sunod-sunod na pagpapagawa ng mga projects, baby thesis, compilation at reports. Isa pa, namomoblema ako dahil sa biglang pag lobo ng aking tuition fee, hindi kasi alam ng tatay ko na nagdagdag ako ng isa pang subject. Hindi ko naman masabi kasi, ang alam n'ya, nakuha ko na 'yun nung 1st year pa ako. Pag iipunan ko sana s'ya, ang kaso kung sansan din napupunta ang pilit kong pinag iipunan. Kaya hanggang ngayon, problemado ako, isa pa... kanina ko lang nalaman na may problema pala ako sa registrar, wala daw akong original copy ng Honorable Dismissal. Ang labo talaga ng school na pinapasukan ko, kung hindi lang talaga ito malapit sa amin, hindi ako papasok do'n. Sobrang nababadtrip ako sa gano'ng mga tao. Dapat nung una pa nila sinabi, eh 2 sem na ang dinaanan ko sa kanila, ngayon lang sila nag request ng original? Pakingsheet...

Hindi ko tuloy alam kung makukumpleto pa yung clearance ko, una, Oct 2 cla nagrelease, tapos Oct 6, kailangan may permit ka na? Eh paano naman ako na kulang pa ang requirements sa registrar??? Ayyy!!! nakakabadtrip talaga, paano nangyari na kulang ako don??? Nakakainis!!!! Tapos dadagdag pa ang nanay kong hindi makaunawa sa aking kalagayan... sarap tuloy magliwaliw ng walang paalam! Problemado na nga ako sa gawaing eskwelahan, padating ba naman dito sa bahay, mamomoblema ako ng dahil saknia???

EMO ako hindi dahil sa pesteng pagmamahal.. EMO ako dahil sa stress ng buhay na pinabibigat ng nanay ko

0 comments: