Hindi ko malaman kung bakit may ibang tao na binabalewala ang pagmamahal ng isang tao para sa kanila. Naiintindihan ko kung yung mga tao na meron ng iba at talagang hindi nila magawang suklian ang iba pang tao na nagmamahal sa kanila. Ang hindi ko lang maintindihan, ay yung mga taong binabalewala yung pagmamahal, concern, problem ng MISMONG tao na minamahal nila (or let's say ka-On n'ya)
Hindi naman kasi tama yun, para sa akin ang hirap ng lagay ng isang tao na naghihintay at binabalewala ng gerlpren nia. Ang hirap lalo na kung yung ako yung nag-aadvice tapos hindi naman tinatanggap ng kaibigan ko yung advice na yun. Haaay... ang hirap kayang panuorin yung kabigan ko na nahihirapan, tapos si lalake ay wala lang pake sa isang tabi. Tapos parang ang dating pa, masama yung ginagawa ng babae. Sa totoo lang, hindi naman nagigin OA yung kaibigan ko sa pag-aalaga n'ya, at talagang mabait naman yung fren kong yun.
Isa pa, masama bang maging concern? Eh yung nanay na nga mismo ni lalake ang nagpapatuchada sa ka-on n'ya para tumino ang anak n'ya? Gumawa lang ng promise si babae para lang dinggin ang kahilingan ng anak n'ya, which is hindi ko naman maintindihan kung bakit against si lalake dito. Nalalabuan ang sa takbo ng story ng buhay lablayp nilang dalawa. (buhay na nga, lablayp pa!)
Hindi naman sa nanghihimasok na ako, pero talagang nakikita ko na ang katangahan nilang dalawa sa isa't isa. Una, ang lalake, mahal na nga s'ya ni babae, binabalewala lang. C babae naman, nagpapakatanga dahil sa pagmamahal n'ya kay lalake. Sa totoo lang, kung ako ang lalake hindi ko gaganyanin ang babae. respeto talaga kung respeto. Badtrip ang mga taong gano'n. At hindi n'ya ba pa ba alam, ako ang namomoblema sa kanila??
Wala lang... apektado lang kasi ako sa nakikita ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment