masakit talagang tunay sa ulo ang nanay ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n s'ya sa akin. Kapag nagpuyat ka, papagalitan ka. Kapag bumagsak ka naman sa ISANG subject, papagalitan ka din, and worst - papatigilin ka pa! Hindi ko alam kung bakit hindi n'ya maintindihan ang buhay estudyante! isa pa, lagi na lang n'ya ako inahahalintulad sa kapatid kong nag sspend ng oras sa labas at inaabot ng gabi. samantalang ako, sa bahay... yun nga lang... sa tapat ng computer! pero hindi ko pa rin maintindihan... hindi ko maintindihan kung bakit hindi n'ya maintindihan na kailangan kong tapusin ang 780 words para lang sa project namin na dictionary. Bakit hindi n'ya maintindihan na HINDI matatapos ng isang araw o ng isang gabi ang isang thesis at isang project. Nakakabadtrip ang gano'n. Sa akin ba isisi ang lahat?? Pati ba naman ang pagpayat ng anak n'yang bunso, sa akin pa rin?? Kumuhakuha s'ya ng Yaya, tapos sa akin din ipapabanatay ang bata?? ang labo naman ng gano'n. Eh di sana ako na lang ang ginawa n'yang Yaya, at swelduhan n'ya na lang ako. [may kinikita pa ako]. kaya nga may Yaya di'ba, para s'ya ang mag-alaga. Badtrip namang tunay woh!
Haaayyy... hindi ko alam kung ano ang papel ng nanay KO sa buhay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon KATINDI ang concern n'ya. Hindi naman ako mamamatay sa ginagawa ko. Nag-aaral lang naman ako at nagnanais na MAKAPASA. Hindi ba n'ya naisip na balakid s'ya sa buhay ko?? I mean, buhay-studies ko. Nahihirapan ang gumalaw 'pag anjan s'ya. Minsan nga, naisip ko nagkaro'n pa ng internet sa bahay kung sa net shop din naman ako gagawa ng project ko, tapos tinitipid pa ako sa baon... haaayyyyy. Madami pa akong problema sa eskwelahan, alangan namana na unahin ko pa s'ya di'baaaaa???
0 comments:
Post a Comment