Kailan lang nagbirthday ako nung Aug. 3, ito lang linggo, pero there is one thing na hindi nagbago sa mga nagdaang birthday ko.
Talaga bang may happy birthday pa akong dadating? Lagi na lang kasing bati sa akin ay sana magkaro'n ako ng HAPPPY birthday, pero mukhang laging napapalya lagi ang birthday ko, at madalas na lang siguro na isumpa ko ang birthday na dadating sa akin.
Kabilinbilinan ng nanay ko na magdala daw ako ng mga bisita sa birthday ko. Hindi naman s'ya sinabi kung ilan, pero sure ako na dapat hindi tataas na mahigit sa lima, so tatlo ang dinala ko. Pero may mali sa ginawa ko, dinala ko sila ng 12:30 ng tanghali. Sa garahe pa lang, alam ko na mainit ang ulo ng nanay ko - hindi sa akin kundi dun sa kanang kamay n'yang katulong. Takot na akong papasukin ang mga bisita kong hindi ko pinakain ng tanghalian. Sinadya ko yun dahil ang akala ko, tapos na ang handang kanilang niluluto. Ano rin ba ang malay ko?
Dahil malamig naman sa second floor at ayaw kong bigyan ng kahihiyan ang nanay ko, pina-akayat ko ang mga "understanding" kong kaibigan, at dahil tatlo lang sila at wala naman ang tatay ko nung mga oras na yun, nasabi ko na lang na "feel free, just like your own home". Pinatambay ko sila do'n for short, at pinabutingting ko kung ano mang gusto nilang butingtingin. Okay lang din yun, sangkaterba ang libro ng tatay ko du'n 'bout arts, kaya kahit papaano ay magagamit nila yun.
Ilang ulit akong pinatawag ng nanay ko sa baba, at sa bawat tawag na gawin ng nanay ko, ay alam ko na naririnig ako ng mga kaibigan kong "understanding", at dahil understanding nga sila, alam na nila ang nangyayari sa akin, samatanlang ako hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa akin.
Natapos ang handang pagkain mga 1:30 ng tanghali, okay lang 30 minutes lang ang hinintay nila dahil 1 na kami dumating sa bahay. at sulit naman ang paghihintay nila dahil malamig na place ang tinambayan nila. Nakakain naman sila ng Carbonarra at nakainom ng Mountain Dew, okay na ring handa yun, kesa naman sa pinaghihintay ko sila.
Hindi pa natapos ang kalbaryo ng buhay ko sa 24 hours na birthday trip. Pagkaalis ng mga bisita ko, saka naman sinumpong ng mainit na kaulunan ang nanay ko, hindi n'ya matanngap na wala s'yang kasama sa mga oras ng kanyang pagiging EMO, pati tuloy ako napagbalingan. Pinagalitan n'ya ako dahil sa oras ng pagpapapunta ko ng mga bisita. Dapat daw mga oras ng meryenda. Yun din ang dahilan kung bakit n'ya ako pintawag kanina, habang ine-entertain ko ang mga nagugutom kong kaklase.
Minsan naisip ko, sa uulitin na handaan, hindi na ako magdadala ng bisita, at kung meron man, cgruo mga hapon na lang talaga ako uuwi sa bahay, dahil mahirap kausap ang malabong nanay. Tulad na lang nung ginawa ko last year, wala akong dinalang kaibigan, dahil maghihinakit lang ang nanay ko. Alam ko yun, dahil gawain n'ya na yun pagsasapit ng birthday ko. Madalas mainit ang ulo na hindi mo maintindihan dahil din sa dahilang hindi ko din alam kung saan n'ya napupulot. Kaya nga paglumalapit na ang birthday ko, hindi yun napapansin hangga't hindi ibinubulong sa akin ng kapatid ko at isinsigaw sa akin ng kaibigan ko. Gano'n nila ako kamahal. Nawawalan ako ng ganang planuhin ang gagawin ko sa darating kong birthday, dahil alam kong aberya lang naman ang pinaka special gift ng nanay ko - ang sermon. Hindi ko na nga rin gustong paghandaan yun dahil nakakawalang gana, alam ko na kasi ang mangyayari sa mismong birthday ko.
Napansin ko rin, sa tuwing sasapit ang birthday ko hindi nawawala ang ulan. Hindi ko alam kung sinasadya ba yun ni papa Poseidon or what, basta ang alam ko, laging naiyak ang ulan sa tuwing kaarawan ko.
kaya ang huling tanong ko sa buhay ko, at sa bawt taon na darating sa akin:
"KAILAN KO BA MARARANSAN ANG TOTONG 'HAPPY' BIRTHDAY?"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment